PAO Chief Acosta sinupalpal si Leni Robredo: “Pag-aralan mo muna ibubuka ng bibig mo!”


PAO Chief Acosta sinupalpal si Leni Robredo: “Pag-aralan mo muna ibubuka ng bibig mo!”

Viral ngayon sa social media ang naging bwelta ni Public Attorney Office Chief Persida Acosta laban kay Vice President Leni Robredo.

Hindi nagustuhan ni PAO Chief Acosta ang naging pahayag ni Vice President Leni Robredo tungkol sa isyu ng Dengvaxia.

Agad na bumwelta si PAO Chief Acosta kay Robredo sa isang press conference at pinaalalahan ang bise presidente na nanggaling rin ito sa PAO na ngayon ay kanyang niyuyurakan.

“VP Leni Robredo, nanahimik kami dito, ang mga ka-alyado mo ang maingay… Bakit mo kami ang bababantan? Galing ka dito sa PAO ah. Isang taon ka dito more or less ah, sa Naga.”

“Kinandili ka ng public attorney office noong bago kang abogado, hindi ka nga lang nagtagal. Sino ka para magsabi na maingay at iresponsable sa dengavaxia? Masakit iyang ginagawa mo.” saad pa ni Acosta.

Advertisement
Ipinaalala rin ni Acosta na noong kasagsagan ng kampanya, ginamit ni Robredo ang PAO sa kanyang pangangampanya.

“Noong nangangampanya ka, sa background mo naka-flagship pa ang PAO. Ano ang makikita namin sayo? Ano ang makikita ng taumbayan sayo?… May mga distrito ako na sumuporta sa iyo dahil alan na dati ka sa PAO tapos ikaw mismo ang yuyurak sa PAO…”

“Papatihimikin ko ‘yung 159 na FB ng FB para humihingi ng hustisya?… Pati ‘yung ibang bumoto sa iyo biktima rin ng dengvaxia. Kaya minsan nababatikos ka eh, pag-aralan mo muna ibubuka ng bibig mo,” saad pa ni Acosta.

Matatandaan na naglabas ng pahayag si Robredo sa kanyang programa sa radyo tungkol sa isyu ng dexvaxia na kung saan sinabi nito na iresponsable umano ang mga ingay tungkol sa nasabing bakuna.

Advertisement
“Hindi naman masamang mag-ingay, pero iyong pag-iingay, irresponsible. Parang iniimpluwensiyahan mo iyong pag-isip ng tao na iyong pagdesisyon niya maging mali, iyon iyong masama…” saad pa ni Robredo.

“Ang nakakalungkot dito, buhay iyong nakataya eh… Nakita natin noong grabe yung ingay sa Dengvaxia, apektado iyong lahat ng sakit na dapat wala na sana sa atin. Iyong polio, na-eradicate na pero dahil ayaw ng mga taong magpabakuna, bumalik ulit,” dagdag pa nito.

Advertisement


Sponsor
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

TODAYSNEWSUPDATEPH


Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of FRESHNEWSTODAY. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.

PAO Chief Acosta sinupalpal si Leni Robredo: “Pag-aralan mo muna ibubuka ng bibig mo!” PAO Chief Acosta sinupalpal si Leni Robredo: “Pag-aralan mo muna ibubuka ng bibig mo!” Reviewed by vgbit143 on March 05, 2021 Rating: 5

1 comment:

  1. Galing talaga ni atty acosta, ang katulad nya ang dapat malagay sa kongreso o senado, ang kaalaman nya sa batas at paninidigan ay di masusukat. Saludo kami sayo atty Persida acosta. Para kay vp tama wag naman ganoon. May kasabihan tayo lumingon ka sa pinangalingan mo, kaso sabi nga ni atty acosta lumingon pero parang niyurakan daw ang pao. Masakit nga naman.

    ReplyDelete

Powered by Blogger.